Pages
KeepSoYoung
Personal Blog. Live Journey. Fanatica
I Want It That Way (Or What Happens Inside the ABS-CBN Newsroom)
Posted by
KeepSoYoung
at
7:38 AM
Tuesday, September 11, 2012
More fun in the.... NEWSROOM (ABSCBN)
Bee Gees - More Than A Woman (HQ)
Posted by
KeepSoYoung
at
10:44 PM
Monday, September 3, 2012
Kilig ako sa kissing scene nila. Aww1
Spice Girls - London 2012 Olympic Closing Ceremony
Posted by
KeepSoYoung
at
11:49 AM
Monday, August 13, 2012
Talk 'N Text forfeits game vs Ginebra
Posted by
KeepSoYoung
at
8:56 PM
Sunday, August 12, 2012
Nagulat ako na bumungad sa akin si Papa Idol Alex Santos ang nagbabalita sa nangyaring walk out ng TNT sa laban nila sa game 5 ng Quarterfinals Game against Ginebra.
Huwag po, Itay
Posted by
KeepSoYoung
at
6:52 PM
Photo Credit by owner |
Sometimes you think you know the people that are close to you..but bewa! re. Please excuse the graphic nature of how this story is told but I believe it is necessary to highlight the
important lesson within.
Huwag Po Itay….
Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin ng aking itay isang gabi. Hinding-hindi ko
makakalimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan noon nguni’t maalinsangan ang simoy ng hangin.
Ako ay nagsusuklay sa aking silid, katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa lamang noon. Narinig kong kumakatok si Itay sa aking pinto. Nang sagutin ko ang pagkatok niya ay sinabi niya na kailangan daw naming mag-usap at humiling na papasukin siya. Binuksan ko ang pinto at siya’y kagyat na pumasok sa aking silid.
Laking pagkagulat ko nang ipinid niya at susian ang pinto. Hinawakan ni Itay ang aking mga kamay, hinaplos-haplos niya ang aking buhok, ang aking mukha, pinaraan niya ang kanyang mga daliri sa aking kilay, sa aking mga pisngi,sa aking mga labi. ! Napasigaw ako.
“ITAY, huwag, huwag! Ako’y inyong anak! Utang na loob, Itay!” Nguni’t parang walang narinig ang aking Itay. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil ayaw kong makita ang mukha ng aking ama habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa sa akin.
Naririnig ko si Inay sumisigaw habang binabayo ang pinto at nagpipilit na ito’y buksan, “Hayop ka! hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa anak mo! Huwag mong sirain ang kanyang kinabukasan”.
Subalit wala ring nagawa si Inay, hindi rin siya pinakinggan ni Itay. Nanatili na lamang akong walang katinag-tinag at ipinaubaya ko na lamang ang aking sarili sa anumang gustong gawin ng aking Itay.
Pagkalipas ng ilang oras ay tumigil na rin ang aking Itay. Iniharap niya ako sa salamin ay ganoon na lamang ang aking pagkamangha at pagkagulat sa aking nakita. Magaling naman palang mag-make-up si Itay.
Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin ang aking ama. Bakla pala siya. Labis akong nagalak sa
galing at husay ng aking ama. Naisip ko na matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong gumanda ngayon. Niyakap ko si Itay at pareho kaming napaluha sa labis na kagalakan. Masaya na kami ngayon at nabubuhay nang matiwasay.
Lovingly yours,
BADONG
This post grabbed from my multiply account since magbababu na daw ang multiply site, e di iimpake ko na lang iyun mga posts ko dun.
Subscribe to:
Posts (Atom)
Blog Archive
About this blog
My Personal Blog.
Social Media
Plurk
Recent Video
Powered by Blogger.
Ads 468x60px
Social Icons
Popular Posts
- Huwag po, Itay
- Mickson Bungisngis
- I Want It That Way (Or What Happens Inside the ABS-CBN Newsroom)
- Bee Gees - More Than A Woman (HQ)
- Spice Girls - London 2012 Olympic Closing Ceremony
- Talk 'N Text forfeits game vs Ginebra
- Mama Mary. Happy Birthday.
- Kenny Rogers & Anne Murray - If I Ever Fall in Love Again
- TGIF
- Kristong Hari